Lyrics Regine Velasquez

Regine Velasquez

Anak

Nung isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi napupuyat ang iyong nanay

Sa patimpla ng gatas mo

At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong

Amang tuwang-tuwa sa iyo.

Ngayon nga'y malaki ka na

Nais mo'y maging malaya

'Di man sila payag, walang magagawa

Ikaw nga'y biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang kanilang

Ginagawa'y para sa iyo

Pagkat nais mo'y masunod ang layaw mo

Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo'y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang unang mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong, 'Anak, ba't ka nagkaganyan?'

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha

Ng di mo napapansin

Pagsisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali

Pagsisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali