Lyrics Regine Velasquez

Regine Velasquez

Hele Ni Inay

Kay tagal ng panahon

Awit mo'y naririnig

Sa tuwing gabi

Ng paskong tahimik

Tanging tinig mo

Ang nagpapasabik

Na hintayin ko

Dakilang araw sa sasapit

Kay tagal ng panahon

Sa iyo'y nangungulila

Sa bawat haplos

Sa aking mukha

Sa tuwing nahihimbing

Hinihintay pa rin

Maramdaman muli

Ang yakap mo sa akin

Ang tanging hiling

Sa paskong darating

Hele mo inay

Muling marinig

Ang tanging hiling

Sa paskong darating

Sa iyong kandungan

Muling maidlip

At kung matutupad

Ang dasal sa maykapal

Makapiling ka muli

Ng isang sandali

Ang paskong ito'y

'di ko ipagpapalit

Sa lahat ng paskong

Sa aki'y darating

Ang tanging hiling

Sa paskong darating

Hele mo inay

Muling marinig

Ang tanging hiling

Sa paskong darating

Sa iyong kandungan

Muling maidlip