Tatsulok

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo

Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo

Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan

At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi

Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi

Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo

Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban

Ang kulay at tatak ay di syang dahilan

Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan

At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok

Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao

At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo

Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok

Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban

Ang kulay at tatak ay di syang dahilan

Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan

At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok

Di matatapos itong gulo

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban

Ang kulay at tatak ay di syang dahilan

Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan

At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok

Di matatapos itong gulo

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok

Di matatapos itong gulo.......

Di matatapos itong gulo......