Lyrics Eraserheads

Eraserheads

Kailan Lounge

Kailan mo ako hahagkan

Matagal na akong naghihintay

Nakadungaw sa bintana

Mga dahon lang ang kumakaway

Kailan ko madaramdaman

Pagdampi ng iyong labi

Tinatanong ko ang mga bituin

Mga luhang humahalik sa aking pisngi

Kailan ako tatahan

Higpit ng yakap ng dibdib

Nakatingin ako sa salamin

May guhit sa noo

Mapait ang ngiti

Kailan ko madaramdaman

Pagdampi ng iyong labi

Tinatanong ko ang mga bituin

Mga luhang humahalik sa aking pisngi

Kailan ko masisilayan

Sa araw-araw aking mahal

Mula paggising hanggang sa pag-idlip

Kagandahan mo'y walang patid

Kailan mo ako hahagkan

Matagal na akong naghihintay

Nakadungaw sa bintana

Mga dahon lang ang kumakaway

Kailan ko madaramdaman

Pagdampi ng iyong labi

Tinatanong ko ang mga bituin

Mga luhang humahalik sa aking pisngi

Kailan ako lalaya

Sa anino ng pag-iisa

Mga rehas lang ang tanaw

Nanginginig sa seldang maginaw

Wooh, oh!