Lyrics Eraserheads

Eraserheads

Suntok Sa Buwan

Sabi nila na hindi ko raw makakaya

Ang lumapit sa’yo mag-isang magpakilala

Sabi nila malakas daw ang aking loob

Sinuswerte daw ba ako?

Mag-isip na tayong dalawa ay magmahalan.

Tingnan mo ngayon, sino na nga bang nakatawa?

Pag tayo ay naglalakad, o 'di ba tahimik na lang sila?

Sa dami noon na nanligaw sa ‘yong poging

Nakapila baldeng pabling

Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan!

Suntok sa buwan ka lang nong araw tanging irog ko

Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain

Puso ko’y hinagip sa dilim

Karibal ko’y hindi pinansin

Rumemate na lang sa bandang hulihan

Suntok sa buwan, panalo

Akin ka lang!

Sabi nila na hindi nga raw tayo bagay

Mapapansin mo lang daw ako kung mawawalan ka ng malay

Sabi nila, kailanga’y isang himala

'Di ka raw madaan sa tiyaga

Tingnan mo kung sino na ang siyang nakatunganga, humahanga!

Suntok sa buwan ka lang nong araw tanging irog ko

Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain

Puso ko’y hinagip sa dilim

Karibal ko’y hindi pinansin

Nakahagod na lang sa bandang hulihan

Suntok sa buwan, panalo

Akin ka lang!

Akin ka lang!

I Love You LuNa!