Wo-Oh

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Yang boypren mong maayos ang gupit

Pormado ang tsekot, magara ang damit

Nag i-ingles muka ngang mabaet

Pero ang ugali, kadiri!

Pansinin mo naman ang katulad ko

Mahaba ang buhok, kargado ng tattoo

Adik sa paningin ng ina mo

Pero tunay magmahal ang katulad ko

Iwanan mo na yan...

Tumingin ka lang sa iyong harapan

Nandito lang naman ako.

Nagmamahal sayo ng totoo

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Ibang klase din ang lalakeng yan

Pati tropa mong bading, pinagseselosan

Parang hari kung iyong pagsilbihan

Pero birthday mo, nakalimutan

Lagi kang umiiyak sa akin

Di mo na alam ang yong gagawin

Hindi mo siya kailangang tiisin

Ilang beses ko pa bang uulitin?

Iwanan mo na yan...

Tumingin ka lang sa iyong harapan

Nandito lang naman ako.

Nagmamahal sayo ng totoo

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Ipagdadrive kita. Ipaglalaba.

Lagi kitang mamimiss tuwing hindi kita nakikita

Kahit magmuka akong tanga

Kung dun ka sasaya

Hinding-hindi magsasawa sayo sinta

Kahit na sobrang tumaba ka pa

Sakin mas liligaya ka

Mas bagay tayong dalawa

Andito nanaman ako.

Nagmamahal ng totoo

Wo-oh! wo-oh-wo-oh

Wo-oh! wo-oh-wo-oh