Hanggang Ngayon

Hanggang Ngayon

I.

sa 'king pag-iisa

alaala ka

bakit hanggang ngayon

ay ikaw pa rin sinta

II.

pag sa hatinggabi

sa pagtulog mo

hanap mo ba ako

hanggang sa paggising mo

kailanman ika'y inibig ng tunay

(chorus)

wag mong limutin pag-ibig sa'kin

na iyong pinadama

pintig ng puso'y 'wag nang itago

sa isang kahapong sana'y magbalik

ng mapawi ang pagluha

ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal

III.

di makapaniwala

sa nagawa mong paglisan

o kay bilis namang nawala ka sa akin

o, ang larawan mo

IV.

kahit sandali

laging minamasdan para bang kapiling ka

dati kayligaya mo sa piling ko

(repeat chorus)