Kung Maaari Lang

Ooh...

Ang bukas ko ang buhay ko

Inialay na ang lahat sa 'yo

Nagtiwala pang buong-buo

Ngunit bakit ngayon tayo'y magkalayo

Naghihintay sa 'yong pagbabalik

Umaasa, nananabik

Na pangako mo'y tutuparin

Ako lamang ang iyong mamahalin

Kung maibabalik ko lang

Ang mga sandali na nagdaan

Yayakapin at hahagkan

Kung maaari lang

Kung ang kahapo'y bukas pa

Pipigilan kong lumisan ka

Kung maaari lang, kung maaari lang

Ooh...

Tamis ng 'yong halik aking inaasam

Kahit na sandali labi ko'y madampian

Sana ay muling maramdaman

Pag-ibig natin na tila walang hanggan

Naghihintay sa 'yong pagbabalik

Umaasa, nananabik

Na pangako mo'y tutuparin

Ako lamang ang iyong mamahalin

Kung maibabalik ko lang

Ang mga sandali na nagdaan

Yayakapin at hahagkan

Kung maaari lang

Kung ang kahapo'y bukas pa

Pipigilan kong lumisan ka

Kung maaari lang, kung maaari lang

Kung maibabalik ko lang

Ang mga sandali na nagdaan

Yayakapin at hahagkan

Kung maaari lang

Kung ang kahapo'y bukas pa

Pipigilan kong lumisan ka

Kung maaari lang, kung maaari lang...

Ooh...

Kung maaari lang...