Huwag Na Muna

Panaginip ko sa yo giliw, hanggang sa paggising

Nangingibabaw sa isip na ikaw ang kapiling

Sana'y wag ng magbago pa ang puso kong ito

Sinisigaw ng damdamin na wag ibigay sa yo

Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo

Panaginip ko sa iyo giliw ang ating sumpaan

Na di magawang tapusin sa langit at lupa

Binigay ko sa iyo ang nag-iisang mundo

Nagulo lang ang ito, unti-unting nagbago

Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo

Ang pag-ibig ko, di muna ibibigay,

Ang tiwala, huwag na muna

At di na iiyak

Sasabihin ko sayo giliw, hanggang dito muna

Ang pag-ibig na hanap, saka na lang kaya

Mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari

At ayokong masisi sa huli

Ang tiwala ko sayo, naglaho na sa abo