Sakay

Tumawag ang barkada

Saan daw pupunta

Gusto daw nilang lumayas

Magulo na yata 'yan pero ok lang

Basta't ikaw ay kasama

At 'wag ka nang mag-alinlangan

Di naman kita iki-kidnap

Sakay ka lang sa trip kong ito, sige na

Sagot ko'ng kwento

Gusto ko ay sumakay sa kotse mong magara

Pupunta tayo kahit saan magdamagan

Basta't mag drive ka lang

Pupunta tayo kahit saan gusto

Saan man dalhin ng hangin

Bagiuo, Tagaytay, kahit anong lagay

Basta't kasama ka't kasabay

At 'wag ka nang mag-alinlangan

'Di naman ito magastos

Sakay ka lang sa trip kong ito, sige na

Sagot ko'ng gas mo

Simpleng buhay, simpleng trip

Pero ubod ng saya

At tuwing makita kang nakangiti

Ako'y natutuwa