Pan De Monio
Kay ganda ganda ng iyong mukha
Parang anghel na sa langit ay bumaba
Ngunit ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan
Dati naman ika’y mabait
Ngayo’y pakitang tao’t pagyayabang lang ang yong alam
Pag may lumamang ikaw ay galet
Nakakagulat ang maamo mong mukha
Maliit na bagay lang ika’y nagwawala
At ang iyong mga labi na kaakit-akit
Bukang bibig ay mura’t walang patid na panlalait
Ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Bakit kaya bigla na lang ika’y nagbago
Kagandahan mo’y isang balat-kayo
Di maikukubli ng tamis ng yong mga ngiti
Ang tunay na kulay mo at itim ng yong budhi
Ang yong kawangis ay bulaklak na anong rikit
Punong-puno pala ng tinik
Ako’y nabulag sa gayuma ng iyong anyo
Nasa loob pala ang kulo
Dahil ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Ang pangit ng ugali mo
Mukhang anghel ngunit ang asal mo
Kay ganda ganda ng yong mukha
Parang anghel na sa langit ay bumaba