Lyrics Parokya Ni Edgar

Parokya Ni Edgar

Wag Kang Mag-Alala

Huwag kang mag-alala

Hindi ako mawawala

Huwag kang mag-alala

Palagi mo akong kasama

Sa paglipas ng panahon

Huwag nating iwan ang kahapon

kay sarap balik balikan

ang ating napagdaanan

Hindi mawawala

Ang ating mga alaala

Palagi kong dala

Hanggang sa aking pagtanda

Huwag kang mag-alala

Hindi ako mawawala

Huwag kang mag-alala

Palagi mo akong kasama

Natatandaan mo pa ba?

Noong una tayong nagkakilala

Medyo bata pa tayo noon

Pero kung iisipin ganoon pa rin ngayon

Nasa puso pa rin kita

Hindi ka na mabubura

Pangako sa iyo

Sasama ako saan man patungo

Huwag kang mag-alala

Hindi ako mawawala

Huwag kang mag-alala

Palagi mo akong kasama

Kahit parang wala na tayong dadaanan pa

At kahit na parang hind na tayo magsasama

Hindi mo lang alam hindi kita pababayaan

Asahan mong hindi kita iiwan kailan man