Sugal Ng Kapalaran

Nabubuhay ng parang panaginip

Kung pwede lang wala ng katapusan

Parang nabisita na ang langit

Ikabit nang pakpak at lumipad

Nakita nang lahat ng gusto

'Di akalaing makakamit ito

Sana'y 'di na magising

'Wag mo nakong gigisingin

Sana'y 'di na magising

[chorus]

Paano kung hindi na makamit ang pangarap

Na minsan ay nahawakan na?

Paano maibabalik ang pangarap?

Meron pa nga bang pag-asa?

Pag-asa?

[bridge]

Pirmihang kasiyahan

Sana ay 'di matakasan

Pwede bang magpakulong habang buhay?

Pwede ba? Oh pwede ba?

Sang ayon ka bang i-sugal ang kapalaran?

Kelan ba magigising?

Tama na ang panaginip

Kelan ba magigising?

(Repeat Chorus except last line)

Bakit ba bihira matuloy ang panaginip kapag ikaw ay nagising na?

Paano kung hindi na magising sa umaga?

Dito ba mas liligaya

Mas liligaya (2x)

Ohhhhhhhh...