Lyrics Sponge Cola

Sponge Cola

Harapin

Sa'n ka nakalingon, aking kaibigan

Hanggang kailan mo ito balak na iwasan

Ang panaho'y tumatakbong palayo

Tagilid, pag-asa ng 'yong pagkakataong

Lumaban sa agos at tumawid

O anong magagawa ng maling nag-aakala

Pagmasdan mo ang mukha

Ng kung sinong pinagpala't lagi nang nagtatanong

Sa kasama, laging may binubulong

Handa ka bang harapin ang bukas na magaganap

Bakit lagi kang nag-aalinlangan

Wala ka naman laging dapat patunayan

Lilinaw din ang himpapawid

May nakalaang daang matuwid

Makikita mo sa wakas kung anong dahilan

O anong magagawa ng maling nag-aakala

Pagmasdan mo ang mukha

Ng kung sinong pinagpala't lagi nang nagtatanong

Sa kasama, laging may binubulong

Handa ka bang tumayo at manindigan

O anong magagawa ng maling nag-aakala

Pagmasdan mo ang mukha

Ng kung sinong pinagpala't lagi nang nagtatanong

Sa kasama, laging may binubulong

Handa ka bang harapin ang bukas na magaganap

Harapin ang bukas na magaganap